Ang publiko ay binabalaan hinggil sa naka-post sa Facebook na nag-aalok ng serbisyo sa pagkuha ng TIN at TIN card. Para sa kaalaman ng lahat, ito po ay hindi awtorisado at hindi pinapayagan ng BIR. Huwag tangkilikin ang mga ilegal na transaksyong ito sa social media sapagkat ito ay ipinagbabawal ng batas. Ang sinumang mahuhuling gumagawa nito ay papatawan ng kaukulang parusa na naaayon sa ating batas.

Ang TIN card ay hindi ipinagbibili. Ito po ay maaari lamang i-isyu o ipagkaloob ng BIR.

https://bit.ly/2NaagI6